Monday, August 13, 2007

inDieLSCine!! tara, nood tayo :)

Kaisa ang mga estudyante ng VIDPROD, 1st trimester 2007-2008, malugod kong inaanyayahan ang lahat na panoorin ang pangalawang independent film exhibition ng VIDPROD sa De La Salle-Canlubang.

Limang maiikling narrative videos ang ipapalabas ng klase sa darating na
Biyernes, Agosto 17, 2007,
sa ganap na 11:10 ng umaga (unang palabas)
at 2:30 ng hapon (huling palabas).
Ang exhibit ay itatanghal sa
DLSC Media Lab, 3/F Milagros del Rosario Bldg
De La Salle-Canlubang, Leandro V. Locsin Campus
LTI Spineroad, Binan, Laguna.

Libre. Yehey!

Text-text. Kita-kits. Hug-hug. Mwah.

Thursday, August 9, 2007

abuse of power and seniority complex

Some people forget all social decency and restraint just because other people around them tolerate all their crap. Akala nila, porket walang sumisita sa kanila ay okay lang ang ginagawa nila, orrrr....lagi silang tama. These bullies/self-righteous people, I'll call them Those Who Abuse Their Power and Are Besot with Seniority Complex (TWATP-ABSC) seldom stop to think that other people just might be too busy to bother with their petty issues and their insecurities, and most of the time just let TWATP-ABSC off the hook. When that happens, TWATP-ABSC tend to think that their actions are right.

That is...until someone finally tells them straight to their face that their actions were stupid, insensitive and totally uncalled for. Nakakatawa nga eh. kasi halatang-halata mo na hindi nila ine-expect na may haharap sa kanila para ipakita yung mali nila. sila yung mga hindi nasanay na masabihan ng mali, nang malait. yun yung ibig ko sabihin sa mga katagang KULANG SA LAIT; HINDI NAPAPALO (KSL_HN). (sorry, ms. jeng, alam kong secret code natin yun. pero kailangan ko lang po mai-express).

Nakakahiya, nakakainis. hindi na sila natutong kumilatis sa mga mabubuting nagagawa ng iba, sa mga effort at sakripisyong ginagawa ng iba parang lang may magawang project or makatulong. hindi na nila naisip na "uy, siguro may mga napuyat dito, or may mga naglabas ng pera, or may mga nagpakapal na lang ng mukha para mairaos tong event na 'to, or uy may sarili silang initiative sa paggawa nito--walang teacher na nangialam or nagtulak"

ang mga napupuna lang ng TWATP-ABSC na mga ito ay yung mga mali (wala silang nasasabi pang mabuti tungkol sa ibang tao, o sa mga taong hindi nila kabarkada, katropa, etc.). pero ang totoo nito'y nakikita nila ang mga kakayahan ng ibang tao na wala sa kanila...pero sa halip na natutuwa ay nai-insecure sila. Ang pinapangalandakan nila sa madla ay ang mga mali ng iba para magmukha sila, itong mga TWATP-ABSC na ito, na mas magaling. As in better than the rest of the world.

Wow! Panginoon! Lord ka pare!

Nakakahiya, kasi may mga TWATP-ABSC na matatanda na at nasa posisyon na kadalasang inaakala ay dapat propesyonal at mature na ang pananaw. nakakahiya kasi minsa'y tiningala mo sila. nakakainis kasi may mga TWATP-ABSC na feeling nila ang galing-galing nila, lakas manlait pero sarado ang tenga, mata at kamalayan sa mga sariling pagkakamali. ang daming excuses para ma-justify ang mga pagkakamali.

nakakatakot at nakakapraning kasi hindi mo alam baka balang araw maging ganun ka din. kaya kung kaibigan kita, magkaibigan tayo, magbantayan tayo ng ugali. gusto ko maging honest ka sa kin, sabihin mo sa akin ng may sinseridad at pagmamalasakit--huwag patalikod, huwag plastik--sabihin mo sa kin sa paraang maiintidihan ko, matatanggap ko nang bukas ang isip, at lalo na nang may pagpapahalaga sa kanya-kanyang dignidad...ano ang pagkakamali ko at pano ako mas magiging mabuting tao.

Friday, August 3, 2007

Worst Toilet in Scotland: Best in Prod Design

Nalalapit na ang screening ng mga narrative videos (films) ng mga VIDPROD students. I was surfing through !people this morning and was prompted by one entry to post an excerpt from one of my favorite flicks: Trainspotting. Naisip ko lang na-ishare na din ito. I agree with Direk Gabby, this scene's prod design is brilliant (that goes for the whole film, actually). Wala pa akong nakitang hindi nag-react sa eksena na 'to (assuming you're seeing it for the first time. And believe me, I've watch countless people wince and gag...what fun!!! hehe.