s 2wing tinu2nog ng cellfone ko,
ang tandang naiicp mo p rin ako
n i-txt, kmustahin,
nagha-hang ang utak ko s kka-icp ng mrreply—
n hndi mkpag-ppaasa
(n maibbalik p)
pero d din nman gaanong suplada—
n 22gon s cmple mong tnong.
2gong di mag-a-alert
s mga alaalang nkabaon.
s pgsagot ko ng "k lng,
musta din? ü"
mas nttakot akong ma-wrongsend
kesa s ma-misread
ang txt n kung s cgnal ng iba maipasa,
mpadala…
lintek!
cguradong unlimited n away
debate,
tampuhan,
@ iyakan
ang nktakda, ang gulo
dhil s isang inosenteng akto
ng pgha-"hi,helo, howru ü."
mbuti p kyang 'wag n lng mgpramdam,
mgp-missedcall.
knwari n lng tlagang wlang cgnal,
check op n, o pwdeng na-PUK ka.
pwede ding na-snatchan ka s Calamba.
22lungan pa kita
s pmmagitan ng pangde-deadma.
mhirap nga lang s ngyon,
s pnahong bawal ang mkaluma
s pnahon ng malupit n teknolohiya
s pnahong mahirap kumawala s npakaraming
mata
bibig
@ tenga...
lahat ay abot kamay,
abot tanaw,
nasa dulo ng daliri--
lahat maliban sa tunay na nadarama.
Friday, January 9, 2009
silent mode (isang tula)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
ang galiiing. inggit ako. haha.
^:)^
hi john, salamat :)
Post a Comment